alamin ang iyong kapalaran......
(January 20 - February 18)Lubos ang panghihinayang ang iyong mararamdaman sa pagtapon ng isang baraha. Tong-its plus hits tuloy sya! :) Kung ungguy-ungguyan na lang kasi ang pinili nyong laruin panalo ka pa sana lagi. Mukha mo pa lang wala na silang laban.
(February 19 - March 20)Nagising kang parang lumilindol sa kama nyo. Don’t panic. Magtulug-tulugan ka na lang dahil sigurado after 9 months me bago ka na namang kapatid. Tatay mo talaga di titigil hangga’t di kayo isang dosena.
(March 21 - April 19)Ang paglaki ng iyong katawan ang magiging sanhi ng pagkasira ng iyong relasyon. Bakit kasi kain ka ng kain na parang wala ng bukas. Minsan hindi mo din masisisi ang kasintahan kung bakit naghahanap pa ng iba. Paano ba naman pag nagtatalik kayo kala nya swak na nasa singit lang pala.
(April 20 - May 20)Ito ang araw na tatalas ang iyong isip pero mapupudpod naman ang iyong sapatos kakaisip kung sino mauutangan dahil napuntahan mo na ang lahat ng kilalang pwedeng malapitan.
(May 21 - June 20)Makikita ka ng iyong crush na nagtu-toothbrush, gusto mo sanang ngumiti kaso hawak mo yung ipin mo… kaya kumindat ka na lang.
(June 21 - July 22)Ang iyong Zodiac sign ang magiging dahilan kung bakit ka tatanggapin sa trabahong ina aplayan mo… Tatanungin ka kung kaya mo ba ang lahat ng ipapagawa sayo at sasagot ka ng ” I Cancer!”
(July 23 - August 22)Maghahanda ang langit ngayon araw na ito. Maghahanda sila sa pagdating mo. Wag kang mag-alala kasi di ka naman sisipot kasi gawain mong mang indyan.
(August 23 - September 22)Me magyayaya sayong uminom… wag kang sasama me maitim silang plano. Pero kung malandi ka… Go lang te!
(September 23 - October 22)Swerte ka ngayon! Makukuha mo ang lahat ng iyong hihilingin… One, Two, Three! Tapos na ang iyong swerte! Sayang hindi ka man lang nakapag-isip ng iyong nais. Tsk.
(October 23 - November 21)Wag kang malungkot dahil masaya ka ngayon!
(November 22 - December 21)Hayaan ang sarili na mag-enjoy paminsan minsan. Hindi masamang gumastos ng kaunti at pagbigyan ang luho. Bilhin mo ang gusto mong bilhin. Pumunta sa gustong puntahan. Buhay mo yan. Live your life! Kelan mo pa yan gagawin? Wag ng mag-ipon tutal malapit na ang araw ng paghuhukom.
(December 22 - January 19)Magkakaroon ka ng trabaho. Kaso hindi ito magiging madali pero hindi na masama kasi sa abroad. Aawatin mo yung mga nag-aaway sa LIBYA..